AGEW NA PANGASINAN IDADAOS NGAYONG ARAW



Pangungunahan ni Gobernador Amado I. Espino III ang selebrasyon ng Agew na Pangasinan ngayong araw, Abril 5.

Magsisimula ang pagdiriwang sa isang Thanksgiving Mass, alas-syete ng umaga, na idadaos sa Sison Auditorium kung saan magsisilbing officiating priest si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas.

Pagkatapos ng misa, magbubukas ng 13th Pangasinan Tourism and Trade Expo (8:30 a.m.) na matatagpuan sa Capitol Beachfront na isasagawa matapos ang banal na misa.

Ang Tourism and Trade Expo ng lalawigan ay magsisimula bukas, Abril 5 hanggang Mayo 1 kasabay ng selebrasyon ng Pistay Dayat sa probinsya ng Pangasinan.

Magtatanghal din ang University of Luzon Drum and Bugle Corps sa Capitol Plaza bilang bahagi ng pagdiriwang.

Pagsapit ng alas-tres ng hapon, pormal na bubuksan ng Pamahalaang Panlalawihan ang "Abig Sining 2022," isang visual arts exhibit sa Casa Real, Poblacion, Lingayen.

Bukod sa mga nabanggit, magtatayo rin ang pamahalaang panlalawigan ng Vaccination Hub sa Capitol Beachfront na bukas para sa mga walk-in clients.

/SMDC
https://www.facebook.com/photo?fbid=352592453560519&set=a.227172919435807

Comments