Irresponsible Dog Owners, Maaring Magmulta ng Hanggang Php25,000

REPUBLIC ACT NO. 9482 ANTI-RABIES ACT OF 2007

ANG BATAS NA ITO AY HINDI LANG PANG BARANGAY KUNDI PARA SA  BUONG PILIPINAS


 

Sa mga may alagang ASO:

➡️Sa Bisa ng RA 9482, maaaring patawan ng parusang multa ang mga iresponsableng may-ari ng aso:

🐶 Ayaw pabakunahan ang alagang aso - P2,000 multa
🐶Pag nakakagat ang asong walang bakuna - P10,000 multa
🐶 Pag nakakagat ang alagang aso at ayaw tulungan ng may-ari ang biktima - P25,000 multa
🐶 Pag ayaw itali o ikulong ang alagang aso - P500.00 multa

➡️Senate Bill No. 3189  ipinagbabawal ang pagkakalat ng dumi ng aso sa mga pampubliko at pribadong lugar matapos matuklasan na nakapagdudulot ito ng sakit sa tao, pagkakalat ng dumi ng aso sa kalsada, bahay, parke o sa lahat ng lugar na hindi pag-aari ng amo ng aso.

➡️Kung hindi napigilan ang pagbawas nila sa mga ipinagbabawal na lugar, kinakailangang linisin agad ng may-ari o kung sino man ang may bitbit ng aso at itapon ang dumi sa basurahan.

➡️Ang dumi ng aso ay nag-iiwan ng itlog ng roundworms at parasites sa lupa at nananatili sila doon kahit na ilang taon ang lumipas. Ang parasites na bitbit ng dumi ng aso ay ang Cryptosporidium, Giardia at Salmonella gayundin ang hookworms, ringworms and tapeworms.

👉Kapag naapakan ito ng taong hindi nakatsinelas o sapatos, ito’y lumilipat sa katawan ng tao at pangkaraniwang pinagmumulan ng lagnat, muscle pains, sakit ng ulo, pagsusuka at pagtatae.

ctto.

Comments