A Lomboy Story


Kahapon mga alas-3 ng hapon, may nagtatawag sa labas. 
Pag-labas ko, may dalawang lalaki, nagtatanong kung gusto namin ng duhat, bigyan ko na lang daw ng 2 x 2.
May puno pala ng duhat sa may bakanteng lote likod ng bahay namin.

Napakamot ako ng ulo at naghanap ng tabla. Sabi ko, "Awan met dos po dos ditoy"

Tumawa sya. Nagsenyas na parang umiinom.

"Ay ukitnas na, 2 by 2 met gayam nga gin."

Naghanap ako sa bahay. Ang nakita ko lang, yung Bugnay Wine na galing Ilocos at inabot ko sa kanila.

"Ay, pangbabae sa met daytoy"

Natawa nalang ako. Wala na alak dito eh. Nagbigay na lang ako ng pambili.
Natuwa naman sila.

Makaraan ang 30 minutos, nag abot sila ng isang supot ng mga hinog na duhat.

Mga 2 kilos. Sulit naman dahil matagal na akong hindi nakakakain ng duhat.
Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, kung saan saan kami nakakarating para makakuha ng duhat - Mitura, Macalong, Camantiles...

Ikaw, what's your duhat story?


Comments