Yes, let us pray for everyone's safety but let us also be more intelligent in analyzing reports and not quick to panic because of ABS-CBN's report of this "spreading" disease.
Mga katanungan lang...
- Yung Pangasinan arc sa video ng Bandila, matagal nang nademolish. Months na. Kung spreading sya, bakit dadalawa pa lang hanggang ngayon? Ano ang time span para matawag na spreading?
- Nasaan ang statistics?
- From Sta. Barbara, tumalon to Villasis? Spreading na yun?
- Bakit parang hindi naman nahawa yung immediate family and neighbors? Ano ang incubation period?
- Pwede i-mention yung mga "magagaling na doctor" at kung saang hospital?
- Province of Pangasinan, we have one of the best tertiary hospitals in the country, surely this issue can be labeled more than just "mysterious"
- ABS-CBN Bandila - irresponsable. Pangasinan relies heavily on toursim and its products. Causing panic like this can badly hurt the industry. Milyong Pilipino din ang umaasa at nakikinabang sa turismo.
- May bibili pa ba ng tupig at bagoong ngayon? Titigil pa ba mga turista sa Bagsakan Market sa Villasis? - Paano na ang Bangus Festival next month?
- ABS-CBN Bandila - SURE KAYO NA SA PANGASINAN LANG YAN?
- Yung mga potential na turista galing sa ibang bansa, magdadalawang isip na pumunta sa Pilipinas. Magputukan nga sa Minanao, affected pati arrivals sa Ilocos.
- Bakit hindi sila nag-interview nung mga doctor sa Region 1 or Manila?
- Kung meron man ganyan sakit, let's treat is as a medical issue. Bacterial ba yan o viral?
- Hindi kaya may kinalaman din yung socio-economic status ng mga pasyente sa hindi nila paggaling?
- Balitang Amianan, ano sagot nyo sa report na ito?
Prophecy namin...tatamaan ng malakas na bagyo ang Pilipinas this year.
Prophecy namin...Magugutom na yung nagbebenta ng manga sa roadside sa Sta. Barbara
Prophecy namin...Magiging mainit ngayong summer.
Yes pray for the Philippines, that it does not single-handedly get demolished by one report.
hmmm, teka...hindi kaya isa itong ploy para ibaling ang attensyon natin sa PDAF at other corruption issues?
Nagtatanong lang po.
Comments
Overall. Walang kasalanan ang ABSCBN. The report was not conclusive in itself. In fact Sinabi sa huli na abangan ang susunod na kabanata ng report ang karugtong para malaman if talaga bang nakakahawa ang sakit na yon..
If ur thinking na pandirihan ang lugar nyo pati kayo ng ibang tao, napaka judgemental nyo naman. Hindi naman ganon kakitid ang mga utak ng mga kababayan nyo. Ako nung nalaman ko na di naman pala totoo which is binalita din ng abscbn. Naisip ko parin na pumunta sa lugar nyo.
Ang hirap kc di nalang magpasalamat nah nabukasan ang issue, matulungan nah mga biktima at naliwanagan din ang lahat na di naman pala nakakahawa. Wag sana mag paka-bobo.
ABS-CBN has big mistake with this issue.
At lagi kang tinatawag ng nanay at tatay mong walang trabaho na "bobo"
Andito na mga kapamilyang hakot. Anonymous pero kitang kita ang katauhan sa style ng pagpo-post.
Yeah!
OO salamat sa mabang kita ngayon ng mga maliliit na nagbebenta at umaasa sa dagsa ng turista.
Since ANG GALING nyo, kayo na ang bumili ng mga hindi mabentang mangga at bagoong. Kayo na rin magbigay ng baon nung mng anak ni manong driver kasi walang biyahe puntang Manaoag ngayon.
Tutal mukhang kumita naman kayo sa report nyo.
OK?
Pero madalas sa hindi...ganyan ang resulta ng pagmamadaling mauna sa pagbabalita!! whahaha.
Pero madalas sa hindi...ganyan ang resulta ng pagmamadaling mauna sa pagbabalita!! whahaha.
Sa headline pa lang misleading na mis information, nasaan na ang responsableng pababalita?
Walang iniwan ito sa nag lalakad ka sa tulay bigla kang tinulak at nahulog ka sa tubig, tas nang makitang di ka makalangoy ay sinaklolohan ka ng tumulak sa iyo.
Magpapasalamat ka?