Aswang sa Pozorrubio?

Pulisya sa Pozorrubio, Pangasinan pilit pinakakalma ang mga residente dahil sa paniwala sa aswang

Pilit na pinapakalma ng PNP Pozorrubio  sa Brgy. Villegas, Pozorrubio, sa Pangasinan, ang mga residente sa lugar sa pamamagitan ng pagpapatrolya dahil sa hidni pa rin nawawala ang takot ng ilan na merong gumagalang aswang sa kanila.
Ayon kay SPO1 Oliver Sari ng Pozorrubio PNP, sinisikap nilang payapain ang mga residente na huwag maniwalang may aswang dahil ang ilan sa kanila ay nananatiling nagbibitbit pa rin ng sibat.
Hinahayaan naman nila ang mga ito na gumamit ng umano'y pangontra sa aswang katulad ng bawang at asin, na inilalagay sa bintana ng kanilang bahay kung sa akala nila ay ligtas sila at hindi sasalakayin ng aswang.
Ayon kay Sari, dahil sa patuloy ang usap-usapan tungkol sa aswang ay patuloy naman silang nagbabantay upang kahit paano ay kumalma ang mga kababayan.
Pinapayuhan naman nila ang mga residente na huwag sobrang maniwala hinggil sa sinasabing paggala ng mga aswang dahil maaaring sinasamantala at inililihis na ng mga magnanakaw ang atensyon ng publiko at sinasamantala naman ang pagnanakaw ng kanilang mga alagang hayop.
Kasunod na rin ito ng kumalat na balita na may mga nakikitang labi ng mga hayop na pinaniniwalaan ng mga residente na kinain na ng aswang.

Comments

Anonymous said…
power of photoshop lang yan . sus sinisira nila ang katahimikan ng Urdaneta. wag nga kayo magpapaniwala jan sa mga kwento kwento na yan. madali lang mag edit ng pix .at higit sa lahat PRAY. iF U believe in God walang masamang mangyayari sayo kht totoo pa yan.
forinner said…
sa tingin ko hindi yan photoshop. may mga nakita ako sa youtube na kaparehang litrato. ayon sa mga kumento, sarangolla daw. heto po ang link sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=Ma5MlMRayLY
kung hindi yan gumana, search sa youtube "aswang"
tsaka ang tanong ko lang, may nakakita ba? o pic lang talaga?
Anonymous said…
isa po yan sa mga modus ng mga magnanakaw kasi mga hayop po nio ang ng kakawalaan, tapos syempre pag aswang natural maaga matutulog ang mga tao at wala ng lalabas,pag nkatunog na ang aswang aswang na yan, lalabas na at mag nanakaw na yan., hay hirap talga ng buhay...kung ano ano na ang ginagawa para lang maka diskarte.
This photo has been spreading the internet 10 years ago. This is the same photo used when an "aswang" was seen in the city of Manila. This is hoax.