ARYSTA MARKETING... ISANG SCAM?
This was sent to us through email...
Caller: Hello, good afternoon po, tumatawag po ako in behalf of Philippine Electronics Association
Me: Philippine Electronics Association?
Caller: Opo, nais po naming ibalita sa inyo na napili po kayo sa pamamagitan ng electronic raffle at napili po ang number nyo upang tumanggap ng munting regalo mula sa Philippine Electronics Association. Ito ay walang obligsyong bumili. No obligation to purchase naman po. Tatanggap lang po kayo ng regalo.
Me: Wow!
Caller: Opo, kayo po ba ang may-ari ng number na ito?
Me: Opo.
Caller: A ok, kasi po, bilang pasasalamat ng Philippine Electronics Association, sa aming anibersaryo ay napili po kayo, at dahil nationwide naman po sya, ang pinaka-malapit na pick area sa inyo ay sa CB Mall.
Me: (Isip-isip: Paano nya nalaman na malapit ako sa CB Mall?)
Caller: Malapit po ba sila sa Urdaneta?
Me: Nasa Urdaneta po ako.
Caller: A ok na ok. Pumunta lamang po kayo sa second Floor ng CB Mall, sa may Arysta. Alam nyo po ba doon?
Me: Yun ba yung malapit sa Appliance Center?
Caller: Opo, dun nga po.
Phone battery goes dead …
At first, excited kami na may tumawag na ganun. Kaya nag-tanung-tanong kami kung pamilyar sa kanila ang Arista. Sa apat na nakausap naming, ang sabi nila ay SCAM daw yan na nagbebenta ng mga appliances na may kasamang raket. Madalas ay mga balikbayan ang mga pinupuntirya dahil nga sa maraming pera. Nagpasya pa rin kaming pumunta sa office nila.
Pagdating namin sa ARYSTA ay tinanggap kami ng maayos. Mababait ang mga tao at puro nakangiti. Napaka-disente pa ng mga kasuotan. Parang mga nagta-trabaho sa Makati. Lalo na ang mga kalalakihan na naka-kurbata pa. Kaya lang, puro bakla yata. (Wala namang masama dun, actually)
Binanggit namin ang tungkol sa munting regalo. Nakangiti ang tumanggap sa amin. Ang sabi nya ay qualified daw kami na sumali sa raffle. Ang gagawin lang daw namin ay bumunot sa isang bowl. Wala naman siguro ang mawawala. Bumunot ako at binigay sa tumanggap. Pagkabukas niya ay pinakita niya sa kaniyang mga kasama.
Nagkagulo. Nasigawan ang iba.
Nagpapalakpakan ang lahat. Congrats daw. “Wow ang swerte nyo naman!” Sabi ng isang maliit na bading na nasobrahan yata ng hair gel at foundation.
Ano kaya ang napanalunan ko?
Isang TV daw.
WOW nga! Tamang tama. Sira na remote ng JVC ko.
Itatawag lang daw nila sa Manila para i-verify. Ngayon, pwede pa daw ako manalo ng Showcase na may malaking discount. Ngayon ay nakaabang at nakapalibot na ang lahat sa amin.
Nabaling naman ang mga mata ko sa mga nagkikintabang mga appliances sa paligid.
May kausap na ang empleyado. Mangiyak-ngiyak na sya habang nakatingin sa akin. Halos maihi naman ang mga bading sa excitement.
Approved na daw ako. Mai-uuwi ko na ang 8 piece cookware set, convection stove at foot massager sa halagang 50,000 pesos lamang! Kasama pa ang 21-inch COBY CRT TV na napanalunan ko at ang munting regalo na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.
Ang mga nakapaligid sa akin, excited na talaga. Lumuhod na ang isa sa akin habang pinaupo ako sa magarang sofa.
“Kunin nyo na po!”
“Once in a lifetime lang po yan!”
“Oh my gosh! Ang swerte nyo talaga! Kunin na po ninyo”
Kung sabagay ang dami nga naman. Baka swerte nga. “Wala pa akong pera eh”
“Pwede naman po ang downpayment kahit 20% lang”
Sabi ko, “Wala talaga akong cash dito”
“Baka dala nyo ang ATM nyo, may bangko naman po dyan sa baba. Pwede rin po ang cheke. Kayang kaya no yan”
Nagtaka na ako. Parang namimilit na sila. “Pwede bang yung gift na lang at yung TV”
“Naku, yung TV po kasama po yun sa showcase”
Ngek, eh diba napanalunan ko nay un bago pa magka-showcase?”
“Policy po talaga yun eh”
Bigla kong naisip:
Cookware set: Pinaka mahal na siguro ang P. 4,000
Convection Stove: Siguro naman P. 7,000 to P. 8,000 (Kasi yung La Germania na 4 burner plus oven mga P. 12,000 lang)
Foot Massager: Alam ko ito P. 12,000 din lang ito.
Isama mo na ang lumaing TV na hindi man lang flat tapos ubod pa ng taba: P5,000
So ang total nyan ay….
….
29,000 Pesoses!
Syet, ginogoyo nila kami ng 21,000 pesos???
Nagmadali na kaming umalis.
“Ahhh… may lakad pa kami eh. Next time na lang.”
“Naku, sayang po talaga. Once in a lifetime na lang po ito.”
“Ok lang. teka. Makukuha ko pa ba yung munting regalo?”
Tumalikod na ang iba. Naksimanot pa yung isa. Basta na lang inabot sa akin ang isang…
Bolpen.
Pagkauwi namin, nag-search ako sa internet tungkol sa Arysta at ang mga ito ang tumambad sa akin:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=477981
http://dtincr.ph/pressrel.php
http://arystamarketingscam.blogspot.com/
http://thecookieplanet.blogspot.com/2010/02/first-marketing-scam-experience.html
http://berdengmansanas.wordpress.com/2010/05/04/reposting-arysta-marketing-scam/
Calling DTI people, hahayaan na lang ba natin na makunan ang mga kababayan natin ng kanilang pinaghirapang pera sa pamamagitan ng unethical sales practices?

Comments