Paano Mag Handa ng Typhoon Kit (Tagalog Version)

Plan Ahead
·  Step 1
Alamin kung malakas o mahina ang bagyo. Kung malaks ay kinakailangang lumikas. Alamin mula sa mga local na opisyal at ulat panahon kung saan maaring tumuloy kung kinakailangan.

·  Step 2
Ilista ng mga numero ng telepono ng iba’t ibang istasyon ng TV at radio para mapagkunan ng inpormasyon tungkol sa bagyo at kung saan maaring tumuloy kung sakaling lumala ang bagyo

·  Step 3
Pag-usapan sa pamilya kung saan magkikita kung sakaling magkahiwahiwalay. Ipaalam sa mga kamag-anak o kaibigan na nasa ligtas na lugar kung ligtas man o hindi ang pamilya. Sila ang magbibigay-alam sa kinauukulan kung ano ang inyong estado.

·  Step 4
Ipagsa-alang-alang din ang kapakanan ng mga alagang hayop.

·  Step 5
Kung lilikas, siguraduhing patay ang tubig, kuryente at gas.



Assemble a Typhoon Kit
·  Step 1
Maghanda ng makakain na hindi kinakailangan ng refrigerator or kailangang lutuin. Maghanda rin ng mga disposable na plato, bowls, kutsara at tinidor. Maghanda ng sapat na pagkain para sa pamilya at alagang hayop para sa tatlong araw.

·  Step 2
Maghanda ng tubig. Ang isang tao ang nangangailangan ng tatlong gallon ng tubig kada araw.

·  Step 3
Maghanda ng flashlights, lampara,at kandila, kasama and ekstrang battery, posporo at gaas.

·  Step 4
Maghanda rin ng first aid kit.

·  Step 5
Maghanda rin ng battery-operated radio.

·  Step 6
Mag handa rin ng mga suppot para sa basura at mga basahan.



Pack Your Bags
·  Step 1
Mag-impake ng isang maliit na bag kada isang tao sa pamilya. Isama ang damit at mga paghugas na kasya sa tatlong araw.

·  Step 2
Ilagay ang mga unan at kumot sa mga supot kung sakaling kailangnanin.

·  Step 3
I handa ang mga documentos, mga kontrata, etc na hindi nyo nais mawala o masira.

·  Step 4
Ilagay ang mga nai-handang gamit mlapit sa pinto upang mabilis na makuha kung kailangang lumikas. Siguraduhing may gasoline ang sasakyan.

Comments