Gulangan sa Chicken Section ng Urdaneta Public Market?

We received this story from a concerned and very upset #Urdanetizen who chose to remain anonymous.


At Urdaneta Public Market

Ako: magkano po isang kilo ng manok? 
Tindera1: 140 
Ako: (kumuhaka ko ng isang buo at inabot sa tindera1) 
Tindera1: (kinilo ang manok) 200 sir
Ako: napansin Kong 170 pesos Ang naka set sa unit price ng timbangan nila. 
Tindera1: plinastik agad at inabot nya sa kasama nyang (tindera2) Sabay sabi 200 yan at iaabot na sakin ni tindera2 
Tindera 2: 200 kuya
Ako: magkano uli Ang isang kilo? 
Tindera2: 150 kuya
Ako: sabi ng kasma mo 140
Tindera2: (bumulong kay tindera1) 
Tindera1: 190 mo nlang sir (Sabay talikod) 
Ako: magkano uli isang kilo sabi ko kay tindera2. 
Tindera2: 140 kuya
Ako: Bakit 170 Ang naka set sa timbangan nyo?? 

Tindera2: (parang nagulat tinalikod Yung timbangan) Sabay wait lang kuya Sabay bulong kay tindera1
Ako: (nagtanong uli kay tindera1 sabi nyo 140 kilo, Bakit 170 Ang naka set sa timbangan nyo. 
Tindera1: (kinilo ulit na parang galit pa Sabay sabi) 160 sir.! 
Ako: oh kitamo Kung diko napansin na 170 Yung naka set sa timbangan nyo di naloko nyo ko. Wag ganyan Kasi magbabayad Kami ng Tama wag nyo niloloko customer nyo, (Sabay sabi Nong isang bumili oo nga no, pinakilo nya uli Yung sakanya at Ganon din anlaki ng diperensya. 
Ako;: wag nyo Kami daanin sa mabilisan, wag nyo niloloko customer nyo. 140 kilo sabi mo Pero kinilo mo Yung manok 170 Ang naka set sa timbangan nyo wag ganon. (Sabay alis ako) pinicturan ko pwesto nila at sya pa galit pinicturan nya din ako. 

Sana wag Ganon kailangan aksyonan to at malaman sa kinauukulan Kung Hindi mas madami pa maloloko ng mga to.



Disclaimer: This story is published exactly as the contributor sent it. This may or may not reflect the opinion of The Urdaneta Hub

Comments